Pag-AWOL: Kamalian at Gabay sa Tamang Pagpapasya na Umalis sa Trabaho

Jan J. Go
2 min readApr 4, 2023

--

By: HR Department, Ernest Logistics

Empleyadong nag dadalawang isip kung mag AWOL ba o hindi

Sa isang kompanya, ang bawat empleyado ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan upang maging maayos at matagumpay ang operasyon. Ngunit, ano ang mangyayari kung bigla na lang mawawala ang isa sa mga empleyado, lalo na kung bagong salta pa lamang? Alamin natin ang kahulugan ng AWOL, kung ano ang mga hakbang na dapat gawin kapag naramdaman ang pagnanais na umalis nang maaga, at ang mga posibleng kahihinatnan ng pag-AWOL.

Ano ba ang AWOL

Ang AWOL ay isang akronim na nangangahulugang Absence Without Leave, o ang pagliban o pagalis sa trabaho nang walang paalam o hindi pinayagan. Ito ay itinuturing na hindi maayos na pag-uugali sa trabaho at maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kompanya at sa iyong trabaho. Kapag ang isang empleyado ay nag-AWOL, maaaring magdulot ito ng pagkawala ng tiwala at pagkilala mula sa kaniyang mga kasamahan at mga boss, dahil sa mga masamang epekto nito sa takbo ng negosyo.

Ano ang mga dahilan bakit ang isang empeyado ay nag A-AWOL?

Marami ang mga dahilan kung bakit ang isang empleyado ay nais na mag AWOL imbes na umalis sa isang kumpanya sa pamamagitan ng resignation. Bagamat mali ang mag-AWOL, ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang isang empleyado ay nag A-AWOL:

  1. Hindi maganda o makataong trato ng mga superior o amo
  2. Nakahanap ng malilipatan na maaaring may mas malaking sweldo at agad-agad pinapapasok sa kabilang kumpanya
  3. Ayaw maipit ang sweldo sa Last and Final Pay, kaya’t mas pinipili na lamang mag AWOL
  4. Maaaring mas malapit sa bahay ng empleyado
  5. Mga ibat-ibang personal na kadahilanan

Ano-ano ang mga masamang epekto ng pag-AWOL:

Ang pag-AWOL ay maaaring magdulot ng maraming negatibong kahihinatnan, tulad ng:

  1. Pagkawala ng tiwala ng iyong mga kasamahan at boss
  2. Posibleng pagkakasibak sa trabaho
  3. Pagkakaroon ng masamang record sa iyong employment history
  4. Mas mahirap na paghahanap ng bagong trabaho dahil sa reputasyon na dala ng pag-AWOL
  5. Mga legal na consequences (halimbawa: hindi pagsunod sa batas sa 30 days mandatory retention period, at iba pa)

Sa pagtatapos, ang pag-AWOL ay hindi lamang isang simpleng pagliban sa trabaho — ito ay isang kamalian na maaaring makasira sa iyong karera at reputasyon. Ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ito ay sa pamamagitan ng pagiging responsable, pag-aaral ng patakaran ng kompanya, at ang paghahanap ng paraan upang mapabuti ang iyong kasanayan sa pagmamanage ng stress at pagkabalisa. Dapat tayong maging maingat sa paggawa ng desisyon na maaaring makaapekto sa ating buhay at karera, at magsikap na makipagtulungan sa ating mga kasamahan upang mapanatili ang magandang imahe at pagtitiwala ng lahat.

--

--

No responses yet