Paano Pangasiwaan ang mga Tsismis sa Pag-aaplay ng Trabaho

Jan J. Go
3 min readFeb 21, 2023

--

By: HR Department, Ernest Logistics

Kung ikaw ay nasa proseso ng paghahanap ng trabaho, malamang na nakaranas ka na ng mga tsismis at balita tungkol sa kumpanyang iyong nais pasukan. Ngunit, mong maging maingat sa pagtanggap ng mga ito. Hindi lahat ng balita ay totoo at maaari itong makaapekto sa iyong pagpili ng kumpanya.

Ang paniniwala sa mga tsismis o balita tungkol sa isang kumpanya ay maaaring magdulot ng mga panganib. Ito ay maaaring magdulot ng pinsalang reputasyon sa kumpanya, makaaapekto sa operasyon ng negosyo, at sa huli, magdulot ng pagkawala ng mga trabaho. Makaaapekto rin ito sa kredibilidad ng mga aplikante sa trabaho at maaaring magdulot ng pagkabawas sa tsansa ng pagkakapasok sa trabaho.

Maaari rin itong magdulot ng epekto sa emosyonal at mental na kalagayan ng mga taong nakakaranas nito. Maaaring magdulot ito ng anxiety, stress, at kahit ng depression lalo na para sa mga taong may mga personal na problema sa paghahanap ng trabaho.

Mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga tsismis at balita ay totoo. Karamihan sa mga ito ay base sa haka-haka o hearsay lamang. Kaya mahalaga na i-verify ang impormasyon bago maniwala at magbigay ng aksyon tungkol sa isang kumpanya na nais mong pasukan.

Sa pagsasaalang-alang nito, kailangan nating malaman kung paano pangasiwaan ang mga tsismis sa proseso ng pag-aaplay ng trabaho. Narito ang limang tips na maaaring makatulong upang malaman mo kung marapat bang paniwalaan ang tsismis o hindi na maaaring makapaglagay sa alanganin ng iyong pag apply sa isang kumpanya:

Manatiling walang pinapanigan.

Dapat maging objective at tumuon sa mga totoong pangyayari bago maniwala sa mga tsismis patungkol sa isang kumpanya na nais mong pasukan. Iwasan ang maging kasangkapan ng pagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon na hindi naman verified o sigurado, at laging mag-check muna ng mga natatanggap na impormasyon.

Manatiling magalang at propesyonal.

Kapang nasa isang kumpanya upang mag-apply, marapat na maging magalang at propesyonal sa pakikipagtungo sa ibang mga aplikante, maging sa mga empleyado na kasalukuyan ay nasa kumpanya. Iwasan na makipagkwentuhan kung ang paguusapan lamang ay hindi sigurado, o hindi verified na mga impormasyon.

Magtanong habang nasa interview.

Kung nakaranas ng mga tsimis tungkol sa kumpanyang nasi pasukan, ugaliing magtanong sa tagapakinayam. Walang masama magtanong dahil importante ito upang makapag desisyon kung tutuloy o hindi.

Humingi ng payo at gabay mula sa mga makakapagtiwalaang tao.

Importante ang gabay ng mga nakaranas na ng trabaho, o mga taong may kredibilidad. Kaya importanteng humingi ng payo at gabay, pero dapat ito ay mangagaling lamang sa mga taong alam mong makakapagtiwalaan, tulad ng may maganda at matagal na work experience, or kung meron kang mentor o coach.Makatutulong sila upang makita ang ibang perspektibo at magbigay ng mahahalagang impormasyon sa pagpapangasiwa ng mga tsismis.

Magpakatotoo sa sarili at magkaroon ng sariling paninindigan.

Huwag magpadala sa mga tsismis at mga balita, at laging magpasiya batay sa mga totoong pangyayari at karanasan. Ang iyong desisyon pa din dapat ang mananaig. Pakinggan ang sinsabi ng iyong damdamin at huwag ito isalalay sa mga taong alam mo na nagiging instrumento ng nagpapalaganap ng mga maling impormasyon laban sa isang kumpanya na nais mong pasukan.

Walang masama magtanong dahil importante ito upang makapag desisyon kung tutuloy o hindi.

Mahalagang malaman na ang pagbibigay ng halaga sa totoong impormasyon ay mahalaga upang maiwasan ang mga pinsalang epekto ng mga tsismis at balita. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na tips, maaari nating pangasiwaan ang mga ito at magpasya batay sa mga totoong pangyayari.

Huwag nating kalimutan na ang pag-aaplay ng trabaho ay isang proseso na nangangailangan ng malaking oras, pagsisikap, at paninindigan. Huwag nating pabayaan ang ating mga pangarap at patuloy tayong magsumikap upang makamit ang mga ito.

Sa huli, ang pagtitiwala sa sarili at sa kakayahan natin ay mahalaga upang magtagumpay sa paghahanap ng trabaho. Huwag tayong magpadala sa mga tsismis at balita, at magpatuloy tayong magpakalma, magpakatotoo, at magsumikap.

--

--