Paano Maghanda para sa Drive Test ng Trailer o Articulated Trucks sa Pilipinas?

Jan J. Go
3 min readFeb 18, 2023

--

Honing driving skills one cone at a time. #TruckTraining

Ang pagmamaneho ng mga trailer o articulated trucks sa mga kalsada ng Pilipinas ay isang napakahirap na gawain na nangangailangan ng malawak na kaalaman at kasanayan sa pagmamaneho. Kung ikaw ay isang job applicant na nais magtrabaho bilang driver ng mga sasakyang ito, kailangan mong maghanda nang maigi para sa drive test.

Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga hakbang upang maghanda para sa drive test ng trailer o articulated trucks.

Ang pagmamaneho ng mga trailer o articulated trucks sa mga kalsada ng Pilipinas ay isang napakahirap na gawain na nangangailangan ng malawak na kaalaman at kasanayan sa pagmamaneho. Kung ikaw ay isang job applicant na nais magtrabaho bilang driver ng mga sasakyang ito, kailangan mong maghanda nang maigi para sa drive test. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga hakbang upang maghanda para sa drive test ng trailer o articulated trucks.

Una, siguraduhin na ikaw ay mayroong lisensya sa pagmamaneho na mayroong kategoryang “CE” o “Articulated Vehicle”. Kung hindi pa, magparehistro sa Land Transportation Office (LTO) at magbigay ng kinakailangang dokumento at bayaran.

Pagkatapos nito, mag-enroll sa isang driving school na nagtuturo ng pagmamaneho ng trailer o articulated trucks upang magkaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman sa tamang pagpapatakbo ng mga articulated trucks.

Matapos ng iyong pagsasanay at makakuha ng valid na LTO license na mayroong restriction CE, maghanda nang maigi para sa drive test. Alamin kung anu-ano ang mga hakbang na dapat mong gawin upang maipakita ang iyong kasanayan sa pagmamaneho. Narito ang mga tips na aming ituturo sa inyo:

Paghusayin ang “Mental Alertness”.

Bilang isang driver ng articulated truck, o trailer truck, napaka-importante ang pagkakaroon ng isang alertong pagiisip. Ito na marahil ang pinaka mahalaga na aspeto ng pagmamaneho, maliit man o malaki ang sasakyan dahil ito ay makakatulong sa pag-iwas sa mga aksidente. Sa isang drive test, kailangan mong magpakita ng kahandaan sa pag-iwas sa aksidente sa mga kalsada, gaya ng mga dumadaang sasakyan, mga tao at mga hayop.

Matutong gumawa ng Pre-Trip Inspection.

Ang pre-trip inspection ay isang mahalagang aktibidad bago umalis patungo sa lugar ng pag seserbisyuhan at maging pagbalik sa garahe. Ginagawa ito upang makasiguro na ang truck, at ang driver, ay nasa tamang kondisyon bago maglakbay upang makaiwas sa mga samut-saring aberya tulad ng pagkasira ng truck.

Paigtingin ang kakayahan sa “Manuevering”.

Dahil sa liit ng mga kalsada at pabago-bagong mga traffic rules, mainam na paigtingin ang kasanayan sa pag-manuever ng truck sa mga kalsada. Kailangan mong ipakita ang iyong kakayahan sa pag-drive sa mahirap na kalsada, pagpapatakbo ng mga paliko, at pagmaneobra sa mga espasyo ng kalsada. Kabilang na dito ang “backing up” na isa sa mga mahirap na aspeto ng pagmamaneho ng trailer o articulated truck

Paghusayin ang “Slope o Hill Driving”.

Kahit sa pagmamaneho sa loob ng syudad, mainam na paghusayin ang kakayahan sa “Slope o Hill-Driving”. Kailangan mong magpakita ng kasanayan sa pagmamaneho ng trailer o articulated truck sa mga paahon, o palusong na kalsada para handa sa mga ibat-ibang lugar na pagtutunguhan malayo man o malapit.

Pagaralan ang mga batas trapiko ng bansa.

Ang isang professional truck driver ay hindi lamang mahusay sa pagpapatakbo ng mga truck, marapat na maging isang disiplinadong driver din. Kasama na dito ang magiging magalang sa kalsada, maayos na pakikipag kapwa sa kalsada, at higit sa lahat ay masunurin sa mga batas trapiko ng bansa. Kaya mainam na mag-review o mag aral ulit ng mga batas trapiko upang maging isang kaayaayang truck driver.

Bilang isang driver ng articulated truck, o trailer truck, napaka-importante ang pagkakaroon ng isang alertong pagiisip

Sa pangkalahatan, ang pagmamaneho ng trailer o articulated truck ay hindi madaling gawain. Ngunit kung susundin mo ang mga hakbang na nabanggit sa itaas, maari kang maghanda nang maigi at maipasa ang drive test na may higit pa sa satisfactory na resulta. Sa pamamagitan ng maingat na paghahanda at pagsasanay, maipapakita ng mga magmamaneho ng articulated truck ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagmamaneho, at maibibigay nila ang kanilang kontribusyon sa kaligtasan at kahandaan sa mga kalsada.

--

--

No responses yet