Medical Clearance sa Trabaho: Ano ito, Bakit Kailangan, at Paano Maging Handa
By: HR Department, Ernest Logistics Corporation
Ang pagkakaroon ng medical clearance ay isa sa mga pangangailangan o requirement sa pag apply sa isang trabaho. Ang layunin nito ay upang masiguro na ang mga aplikante ay ligtas at hindi mapanganib sa kanilang trabaho, ito din ay nakakatulong sa mga employer upang malaman ano-ano ang mga health risks na meron ang isang aplikante. Gayunman, maraming mga empleyado ang nahihirapan sa pagpapakonsulta sa doktor dahil sa mga ibat-ibang dahilan tulad ng takot sa resulta, kakulangan sa pera, at iba pa. Sa blog na ito, tatalakayin natin ang mga dahilan kung bakit kailangan ng medical clearance, ano ang medical clearance, at paano makapasa sa medical examination.
Ano ba ang isang Medical Clearance at bakit kailangan ito sa tuwing ang apply?
Ang medical clearance ay isang certificate na ibinibigay ng doktor na nagsasabing ligtas at hindi mapanganib ang isang tao sa kanyang trabaho. Ito ay karaniwang kasama sa mga medical examination na kinakailangan sa proseso ng pag-hire.
Ang pagkakaroon ng medical clearance ay nagbibigay ng kumpiyansa sa mga employer na hindi sila mapapahamak sa kanilang trabaho dahil sa mga posibilidad ng pagkakasakit o hindi pagkakatugma sa trabaho. Ito rin ay nagbibigay ng garantiya na ang mga empleyado ay may sapat na kakayahan at kaligtasan upang gampanan ang kanilang tungkulin sa trabaho.
Kailangan din nating isipin na hindi lamang ito para sa mga employers, ang pagkakaroon ng medical clearance ay mas higit na importante para sa aplikante dahil maaari natin malaman ng maaga kung meron tayong mga karamdaman na agad na nangangailangan ng atensyong medical.
Mga Dahilan kung Bakit Natatakot ang Mga Empleyado sa Pagpapakonsulta sa Doktor
- Takot sa resulta. Maraming aplikante ang maaaring takot sa pagkakaroon ng medical clearance dahil sa takot na maaring malaman ang isang underlying health condition na maaaring hindi sila mapapasukan sa trabaho. Ang ganitong takot ay maaaring magdulot ng anxiety at pag-aalala tungkol sa kanilang kalagayan sa kalusugan.
- Kakulangan ng pera. Mayroong mga aplikante na hindi kayang bayaran ang medical examination at iba pang kaugnay na gastos tulad ng transportation at oras sa trabaho. Ang kakulangan sa pera ay maaaring maging hadlang sa pagkakaroon ng medical clearance.
- Hindi alam at naiintindihan ang ibig-sabihin ng mga resulta. Mayroong mga aplikante na hindi nauunawaan ang ibig sabihin ng resulta ng medical examination, na nagdudulot ng confusion at hindi sigurado. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng pag-aatubili sa pagpapakonsulta sa doktor.
- Kakulangan ng tamang medical information. Maaring mayroong mga aplikante na hindi sapat ang kaalaman tungkol sa layunin at mahalagang ng medical clearance, na maaaring magdulot ng pagtutol sa pagpapakonsulta sa doktor.
- Gumagamit ng pinag babawal na gamot o subtance. Maaring mayroong mga aplikante na nagagamit ng ilegal na droga o hindi ligtas na gamot, na hindi nila nais ipakita sa resulta ng medical examination. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng pag-aatubili sa pagpapakonsulta sa doktor dahil sa takot na malaman ang kanilang kalagayan sa kalusugan at hindi sila mapapasukan sa trabaho.
Ang medical clearance sa trabaho ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pag-apply sa isang trabaho. Ngunit, hindi lahat ng mga aplikante ay handa sa proseso na ito dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng kaba, hindi pagkakasya sa halaga, at problema sa substance abuse. Ngunit, ang pagpapakita ng pangangalaga sa sariling kalusugan ay isang mahalagang signal sa employer na handa ka nang magsimula sa iyong bagong trabaho.
Upang siguraduhin ang maayos at matagumpay na proseso ng medical clearance, dapat gawin ng mga aplikante ang mga sumusunod na hakbang: magpatuloy ng malusog na pamumuhay, hanapin ang professional na tulong kung may problema sa substance abuse, kolektahin ang lahat ng kailangan na medical records, maging tapat at transparent sa medical history, at alamin ang espesipikong mga requirement at proseso. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng commitment sa sariling kalusugan, maaaring mapakita ng mga aplikante ang kanilang kakayahan at handa na silang magsimula sa bagong trabaho.
Huwag hayaang hadlangan ng takot o kaba ang iyong pagkakataon sa pagkakamit ng iyong mga pangarap. Pakita ang iyong commitment sa sariling kalusugan at handa kang magsimula sa bagong yugto ng iyong buhay sa trabaho