Ghosting sa interview: Ang mga masamang epekto sa reputasyon ng isang aplikante
By: HR Department, Ernest Logistics Corporation
Bagamat marami ang mga empleyadong na ghosting ng mga potential na employer, ganun din ang mga employer na na-ghosting ng mga aplikante na nakapag commit na magpa-interview. Ang hindi pag sipot sa isang interview ay maaaring magdulot ng napakasama, at negatibong epekto sa reputasyon ng isang aplikante.
Ang hindi pagpapakita sa isang interview ay maaaring ipakitang hindi ka seryoso sa trabaho o hindi respetado ang oras ng iyong potensyal na employer. Bagamat naiintindihan natin na may mga panahon talaga na kailangang natin na ihinto ang pag apply, kailangan natin isipin na gawin ito sa pinaka-maayos na pamamaraan upang maprotektahan ang iyong reputasyon, lalong lalo na ang iyong relasyon sa kumpanya na iyong nais ihinto ang aplikasyon.
Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon, narito ang mga pinakamainam gawin kung nais mo nang ihinto o itigil ang iyong aplikasyon:
Tip 1: Agad na i-notify ang employer.
Huwag mo nang patagalin pa at agad na magsabi sa employer. Ito ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin sa employer at sabihin na hindi ka na interesado sa trabahong inaapplyan mo. Natural sa Pilipino na mahirapan sa mga difficult conversation tulad nito, ngunit kailangan itong gawin upang mapangalagaan hindi lamang ang iyong reputasyon, maging ang relasyon mo sa kumpanya. Pinakamainam kung tawagan ang employer ngunit kung nahihiya ay, maaaring mag padala ng email, or text message.
Tip 2: Maging tapat at sabihin ang totoong dahilan.
Hindi nakakabawas ng pagkatao, bagkus nakapag bibigay pa ng magandang reputasyon ang pagsasabi ng katotohanan. Siguradong maiintindihan ng mga employer kung ang rason ay hindi mo tinatanggap ang offer, o ikaw ay may ibang napupusuan na employer. Ang tapat ay laging nakakaangat.
Tip 3: Magpakumbaba.
Kapag nagbibigay ka ng dahilan, siguraduhin na magpakumbaba ka. Huwag magpakitang hindi mo pinapahalagahan ang oras at pagod ng employer sa pagpapakonsidera sa iyong aplikasyon.
Tip 4: Huwag mag aksaya ng oras at effort ng ibang tao kung hindi ka naman seryoso.
Kung hindi ka pa talaga seryoso sa pag-aapply sa trabaho, mas maganda na huwag na itong ituloy sa una palang. Ang hindi pagpapakita sa interview ay maaaring magdulot ng negatibong imahe sa iyong reputasyon bilang isang aplikante. Tandaan, maliit lang ang mundo kaya magandang iwasan na hindi maging magandan ang reputasyon.
Hindi nakakabawas ng pagkatao, bagkus nakapag bibigay pa ng magandang reputasyon ang pagsasabi ng katotohanan
Ang hindi pag sipot sa isang job interview kung saan ito ay iyong na commit na sa potential employer ay hindi kanais-nais at maaaaring magdulot ng masamang epekto sa iyong reputasyon. Ang pag-notify sa employer na hindi ka na interesado sa trabaho, pagbibigay ng maayos na dahilan, pagpakumbaba at pag-iwas sa pag-aapply kung hindi seryoso ay mga paraan hindi lamang upang maprotektahan ang iyong reputasyon, ito’y maaari din makapag patibay ng relasyon sa potential employer dahil ito ay nag bibigay ng magandang imahe na kaya mo harapin ang mga mahirap na sitwasyon, maging honest sa kabila ng lahat. Tandaan, ang mundo ay maliit lamang, mas gugustuhin natin na magparami ng mga kakampi, kaysa magparami ng mga kaaway o mga kumpanya na balang araw ay matatandaan ang kamalian na ating maaaring gawin sa kanila.