“Ang Limang Bagay na Hinahanap ng mga Recruiter sa Resume at Paano Gumawa ng Presentable na Resume”
By: HR Department, Ernest Logistics Corporation
Ang proseso ng paghanap ng trabaho ay hindi madali. Sa dami ng mga aplikante, kailangan mong malinawan ang iyong sarili sa ibang kandidato. Ang resume ay isa sa mga unang bagay na tinitingnan ng mga recruiter upang malaman kung ikaw ay kwalipikado para sa posisyong hinahanap. Kaya naman, mahalaga na malaman mo ang mga bagay na hinahanap ng mga recruiter sa isang résume at paano ito magagawa.
Ang isang resume ay dapat nagpapakilala sa iyo sa paraang mahusay at nagpapakita sa iyong mga kwalipikasyon at kasanayan sa trabaho. Dapat itong magpakonsentra sa mga bagay na relevant sa posisyong hinahanap at nagpapakita ng iyong kakayahan sa trabaho. Ang layunin ng isang resume ay upang mapansin ka ng mga recruiter at mapabilang sa shortlist ng mga kandidato para sa interview.
Kaya naman, mahalaga na malaman mo ang limang bagay na hinahanap ng mga recruiter sa isang resume at paano gumawa ng presentable na résume na magpapakilala sa iyo sa paraang mahusay.
Ang Limang Bagay na Hinahanap ng mga Recruiter sa Résume:
Relevant Experience
Ang mga recruiter ay naghahanap ng mga kandidato na may kaugnayan sa posisyong hinahanap at ito ay binabangga sa qualifications na hinanhanap para sa trabaho.
Education
Kadalasan at naayon sa qualification, sinisilip ng mga recruiter ang mga pinagaralan ng mga kandidato, ito ay upang ibangga sa qualification pag dating sa edukasyon. Minsan, hindi naman ito sinisilip lalo na para sa mga skilled workers.
Skills
Ang mga recruiter ay naghahanap ng mga kandidato na may mga kasanayan na relevant sa posisyong hinahanap. Ito ay lalong sinisilip ng mga recruiter kung ang trabaho ay may kaugnayan sa mga skilled work tulad ng Truck Drivers, at iba pa.
Accomplishments
Dahil hindi madali ang pag siyasat ng mga recruiter sa pagkatao ng isang aplikante, kadalasan ang mga recruiter ay naghahanap ng mga kandidato na may mga nagawang accomplishments na nagpapakita ng kanilang kakayahan sa trabaho.
Professionalism
Ang mga recruiter ay naghahanap ng mga kandidato na may professional na anyo sa pagpapakilala sa sarili sa resume.
Narito ang mga ibang tips kung papaano ba natin gagawin na lalong presentable ang ating mga resumé upang maging kaakitakit sa mga recruiter at employers:
- Gawing maikli, malaman, at simple ang resumé.
- Lagyan ng picture ang resumé at siguraduhin na ito ay malinis at pormal ang dating.
- Gawing makatotohanan ang mga nilalaman ng resumé at huwag na huwag maglalagay ng mga mali at pekeng impormasyon.
- Magdagdag ng mga nagawang accomplishments na nagpapakita ng iyong kakayahan sa trabaho.
Ang resume ay isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan sa proseso ng paghanap ng trabaho. Kailangan itong magpakilala sa iyo sa paraang mahusay at magpakilala sa iyo sa pinakamabuting anyo. Siguraduhin na ang resume ay nagpapakilala sa iyo sa paraang relevant sa posisyong hinahanap at nagpapakita ng iyong kakayahan sa trabaho. Sa pamamagitan ng pagpapakonsentra sa mga relevant na bagay at pagdagdag ng mga