Ang layunin ng Certificate of Employment sa Pilipinas: Isang gabay para sa mga aplikanteng Pilipino

Jan J. Go
3 min readFeb 9, 2023

--

By: HR Department, Ernest Logistics Corporation

Ang Certificate of Employment o mas kilala bilang “COE” ay isang dokumentong nagpapakitang ng mga impormasyong kailangan makita ng isang employer na gusto mo pasukan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon tulad ng mga dati mong work experience, ano ang mga posisyon na iyong nagampanan, at iba pa na kailangan makita o malaman ng bago mong employer.

Ang layunin ng Certificate of Employment ay upang makatulong sa iyong hinaharap na mga pagkakataon sa pagtatrabaho. Halimbawa, kung ikaw ay naghahanap ng bagong trabaho, ang iyong dating employer ay maaaring magbigay ng rekomendasyon sa iyo sa iyong bagong posibilidad na trabaho.

Bagamat ang isang COE ay isa lamang ordinaryong dokumento na walang layunin kung hindi ang ipakita ang katibayan na ikaw ay nakapag trabaho sa isang kumpanya, may mga panahon o sitwasyon na hindi ito lubusang naiintindihan ng iilang employer, kung kaya’t hindi sila nag bibigay agad-agad ng isang COE sa kanilang mga dating empleyado.

Kung ikaw ay nalalagay sa isang sitwasyon, narito ang aming mga payo kung ano dapat ang iyong gagawin:

Una: Ipaliwanang sa iyong employer na ang COE ay hindi pareho sa Certificate of Clearance (COC).

Karamihan sa mga employer ay hindi lubos nakakaunawa na ang COE at COC ay dalawang magkaibang dokumento. Kadalasan, ayaw o hindi nag bibigay ng isang COE dahil sa pagaakalang ito ay katibayan ng “clearance” ng isang empleyado. Ang COE ay nagpapakitang nagtrabaho ka sa kanila, samantalang ang COC ay nagpapakitang wala kang utang o kaso sa iyong dating employer.

Pangalawa: Gumawa, o sumulat ng isang pormal na liham at ipadala ito sa iyong employer.

Kung sa kabila ng casual at hindi pormal na pag uusap ay hindi parin tumalima ang iyong dating employer. Mainam na gumamit ng mga pormal na pamamaraan o diskusyon sa iyong employer tungkol sa pagbibigay ng Certificate of Employment. Kung hindi nag-work ang verbal o casual na diskusyon, mainam na magpadala ng sulat sa iyong employer na nagrereklamo tungkol sa hindi pagbibigay ng COE at hingin ang COE ayon sa Labor Advisory 06–20 ng DOLE (https://www.dole.gov.ph/news/labor-advisory-no-06-20-guidelines-on-the-payment-of-final-pay-and-issuance-of-certificate-of-emplo/)

Pangatlo: Sumangguni sa mga kinauukulan tulad ng Department of Labor and Employment.

Matapos gawin ang mga iilang hakbang upang makipag usap sa iyong employer, at bagamat malinaw ay hindi padin sumusunod o nag bibigay ng COE. Mainam na mag tungo sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang humingi ng payo o suhestiyon sa mga susunod na hakbang.

Ang DOLE ay mayroong mga paraan upang malutas ang ganitong uri ng problema sa pagitan ng employer at empleyado.

Pang apat: Magpakita ng mga iba pang dokumento patungkol sa inyong past o previous employment.

Minsan, may mga pagkakataon kung saan mas mainam na gumawa ng solusyon kaysa mag reklamo sa mga kinauukulan tulad ng DOLE, lalo na kung madali naman itong solusyunan.

Halimbawa, maaari ka pang magpakita o mag-attach ng ibang mga dokumento na nagpapakitang ikaw ay dating nagtrabaho sa kanila o sa mga kumpanyang nakalaad sa iyong biodata o resumé. Maaaring gamitin mo ang iyong mga dating employment contract, payslip, o iba pang relevant na dokumento sa halip na ang Certificate of Employment.

“Ang COE ay nagpapakitang nagtrabaho ka sa kanila, samantalang ang COC ay nagpapakitang wala kang utang o kaso sa iyong dating employer.”

Sa pagtatapos, ang Certificate of Employment ay isang importanteng dokumento sa pagpapakita ng iyong karanasan sa pagtatrabaho. Ngunit, kung hindi mo ito makakamtan sa iyong dating employer, may ibang paraan pa rin upang mapatunayan ang iyong karanasan sa pagtatrabaho.

--

--

No responses yet